12 taga-Senado nagpositibo sa rapid COVID-19
Leifbilly Begas - Bandera May 04, 2020 - 02:32 PM
NAGPOSITIBO sa isinagawang rapid test para sa coronavirus disease ang 12 empleyado sa Senado.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III habang isinusulat ang balitang ito ay halos 500 test na ang naisagawa.
Nagpapatuloy ang test kaya maaaring tumaas pa ang bilang ng nagpositibo.
Ngayong araw magbubukas ang sesyon ng Kongreso.
Nauna rito ay tatlong senador—sina Sen. Sonny Angara, Sen. Koko Pimentel at Sen. Migz Zubiri—ang nagpositibo sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending