Pagmumura, pananakit at pagbabanta ng lasing na kagawad nag-viral | Bandera

Pagmumura, pananakit at pagbabanta ng lasing na kagawad nag-viral

Leifbilly Begas - May 04, 2020 - 09:01 AM

NAG-VIRAL ang cellphone video sa social media kung saan minura, sinaktan at pinagbantaan na papatayin ng isang kagawad ang isang bantay sa tindahan sa Maynila.

Ayon sa post ni Mags Paglaluan kuha ang video sa kanilang tindahan sa Sta. Maria, Paco Manila at ang tinutukoy niyang opisyal ng barangay ay si Kagawad Willy.

“Paki share nalang tong bastos na kagawad na to sa sta. maria paco manila. kanina (kahapon) lang po sa tindahan namin sarado na po kami binabantayan po namin ang tindahan namin dahil di nasasara ng todo kaya po nag babantay pa ang anak ko at kinakasama niya at bigla nalang po pumasok at tinitigan ng para manyak ang anak ko at kinakasama ng anak ko bigla na lamang nagwala itong si kagawad willy sinampal niya ang kasambahay namin. sana po maaksyunan po ito agad…” saad ng post ni Mags.

Sa video ay makikita ang pagpunta ng kagawad sa tindahan na kanyang sinita dahil nagtitinda pa.

“Bawal na magtinda, dumating kami nagtitinda ka pa, nagbebenta ka pa,” saad ng kagawad na ipinatong ang kanyang kanang paa sa case ng softdrink.

Nang sabihan si Kagawad ng katulong sa tindahan na si Jet na nakainom ito, nagtanong ito: “Paano mo mapatunayan na naka-inom ako? Kaya mong patunayan yun?”

Amoy alak umano ang kagawad ayon sa kanyang kausap.

Niyaya ng kagawad ang kanyang kausap sa lugar na hindi nito nasabi. Matapos ang ilang yaya ay mukhang nainis na ang kagawad at pinalo si Jet sa ulo gamit ang kanyang kanang kamay.

“Halika pu…. mo, halika.. sinasabi mo nakainom ako halika nga…” saad ng kagawad na makikitang hinihila ng kanyang kasama palabas ng tindahan.

Naalis ang cellphone camera sa pangyayari subalit maririnig ang palitan ng mga mura at ang pagbabanta ng kagawad na papatayin ang kausap.

“….. papatayin kita gago ka, put…. mo,” saad ng kagawad.

Mayroon ding CCTV ang tindahan kaya makikita rin dito ang pangyayari. Ipinost din ang kuha ng video sa social media.

Mas malinaw sa kuha ng CCTV ang pagtama ng kamay ng kawad sa ulo ni Jet.

Makikita rin doon ang pag-awat ng mga kasama sa kagawad.

Bukas ang pintuan ng Bandera upang pakinggan ang panig ng kagawad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://www.facebook.com/mags.paglalunan/videos/2797737663786885/

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending