Dagdag honorarium, bonus sa barangay workers binuhay | Bandera

Dagdag honorarium, bonus sa barangay workers binuhay

Leifbilly Begas - May 03, 2020 - 05:44 PM

NGAYONG nakikita umano ang kahalagahan ng mga opisyal ng barangay, binuhay ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang panawagan na bigyan ng mataas na honorarium at bonus ang mga ito.

“Now more than ever, we must give our barangay workers better compensation in recognition of their vital role as frontline service providers as we see it today when the country is facing the worst public health crisis of this generation,” ani Herrera sa isang pahayag.

Kung hindi man umano posible na bigyan ng suweldo ang mga ito ay dagdagan na lamang ang honorarium at Christmas bonus na kanilang natatanggap.

Maghahain din umano si Herrera ng panukala upang mabigyan ng hazard pay ang mga barangay workers sa panahon ng state of emergency.

Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng P500 daily hazard pay sa mga government workers kabilang ang mga nasa barangay. Dahil hindi batas walang kasiguruhan na magpapatuloy ang ganitong polisiya.

“They (barangay workers) do not enjoy much benefits from performing their mandate of addressing day-to-day issues of their communities,” saad ng lady solon.

Noong nakaraang taon inihain ni Herrera ang House bill 5846 upang dagdagan ang honorarium at bigyan ng Christmas bonus ang mga nasa barangay officials, tanod at iba pa nilang kasama.

Sa ilalim ng Local Government Code na ginawa noong 1991 ang mga barangay officials ay nakatatanggap ng honorarium- P1,000 sa kapitan at P600 sa kagawad, treasurer at secretary. Maaari naman itong dagdag kung may pondo.

Batay sa panukala ni Herrera ang minimum na honorarium ng kapitan ay gagawing P10,000, P8,000 sa mga kagawad  treasurer at secretary at P5,000 sa tanod at mga miyembro ng lupong tagapamayapa.

Ang mga barangay workers ay bibigyan naman ng P3,000 Christmas bonus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nais din ni Herrera na dagdagan ng medical benefits, insurance coverage, at libreng matrikula sa mga state universities and colleges ang kanilang benepisyo.

“This measure (HB 5846) recognizes the contribution of barangay officials and employees to the holistic and effective governance in the country. We must ensure the welfare of the public by empowering our barangay workers who are at the forefront of government service.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending