Awra Briguela nabiktima ng ghosting; niloko ng lalaki?
VIRAL ngayon ang napakahabang aria sa social media ng youngstar na si Awra Briguela tungkol sa tunay nilang relasyon ng vlogger na si Raffy “Feng” dela Cruz.
Sa Twitter ibinahagi ng Kapamilya star ang kanyang sama ng loob kay Feng na ang akala ng lahat ay boyfriend nga niya in real life.
Narito ang sunud-sunod na tweet ni Awra: “Lahat ng mababasa niyo dito. walang kulang walang sobra lahat to nangyare habang may connection kame ni Raffy ‘Feng’ Dela Cruz.
“(1) Nag start kame mag usap after ko mag RT ng tweet nya then nag dm sya agad that time, Nag umpisa kame mag usap katapusan ng October. So yes let me remind you all first, walang naging kame. Pero nagpapakita sya ng motibo na parang merong kame alam ni Feng yun sa sarili nya.
“(2) Araw araw kame magkausap? From Good Morning hanggang Goodnight magiausap kame nag a update sa isat isa na parang meron talaga hanggang sa nag meet kame ng ilang beses. Maraming beses na kami nagkita at sobrang okay kame, Actually lahat ng friends ni Feng alam ang totoo.
“(3) Hindi kame naging okay after mag pakulay ng buhok and that time malapit na mag Pasko. Bigla na lang syang walang paramdam sa lahat hanggang yung vlog ko inupload nya sa youtube nya dun lang sya nag paramdam at nag sorry kase alam nyang wala na kong balak iupload yun.
“(4) Hindi na kame okay… for what??? pag inupload ko yun ng hindi naman na kame okay para saan??? Yes totoong inupload nya yung vlog sa youtube nya without my permission. Dahilan nya para daw mabili nya yung damit na gusto ko.
“(5) Hanggang sa nakasahod na sya at nag kita ulet kame wala naman syang nabigay saken.Which is hanggang sa nakasahod at nakuha niya yung silver play button ng dahil don sa video nayon umabot lang naman ng 1M+ sa youtube yon di niyo na makikita yung video kasi naka private na.
“(6) Pero wala lang saken yun. May time pa na magkikita kame sa mall sa Manila kasama dapat si Grae then ilang oras ako nag antay sa kanya.
“(7) Tawag ako ng tawag hanggang sa may sumagot na babae at sabi naiwan daw phone ni feng sa MRT which is nakuha ko yung phone nya and nag kita kame.. Pero alam mo ba lahat pala yun set up?
“(8) Kase yung nag abot ng phone saken yun pala ang president ng fansclub nya and yes si Feng ang mag utos nun na mag pretend na napulot nila phone ni Feng, isa yun sa biggest lie na nagawa nila saken. Nagawa nilang iset up ako without any reason,” unang bahagi ng post ni Awra.
Isa pang pangloloko umano ng vlogger kay Awra ay ang pagpapakilala sa kanya ng karelasyon nito bilang kaibigan lang.
“(9) Ngayon this is the perfect time para malaman nyo na may jowa na si Feng 3years na sila ng Jowa nya at yun yung masakit saken kase nakasama ko na Jowa nya at pakilala nya saken friend lang.
“(10) But to the fact na yung Jowa nya Supportive kay Feng sa lahat. Imagine nung nakasama ko silang dalawa ang saya namen tapos Yung jowa nya supportive pa sameng dalawa,” ani Awra.
Nag-post din siya ng litrato nilang tatlo, “Eto yung nag bonding kame kasama jowa nya na ang akala ko friend nya lang.
“Nag try din syang makipag Romeo saken that time, And yes kala ko okay na ko hanggang sa nalaman ko yung about sa Jowa niya.
Last text namen. And hindi nya paren inamin yung totoo. Again hindi ako gumawa ng thread para ihate nyo isa samen. Ginawa ko to kase para alam nyo na ang totoo.
“Masakit lang na hanggang ngayon hindi pa ren sya umamin saken at nalaman ko lahat sa ibang tao. Which is lahat totoo.
“(11) Nalaman kong may jowa siya kasi may mga nag DM (direct message) saken at may mga proof pero hindi ko na idadamay mga names nila. And alam na ng Jowa nya na alam ko na and he admit it.
“(12) Hindi ako gumawa ng thread about sa kanya para ihate nyo sya ginawa ko to para alam nyo na ang totoo at lahat yan totoo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.