Lalaking pinagpapalo dahil lumabag sa ECQ laya na
NAKALABAS na ang lalaki na pinagpapalo at ikinulong dahil hindi sumunod sa Enhanced Community Quarantine sa Quezon City.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon tinanggal na rin ang miyembro ng Task Force Disiplina na nakuhanan ng video habang hinahataw si Michael.
“The City recognizes the difficulties faced by our frontliners tasked with enforcing community quarantine, however these challenges should never be used as an excuse to abuse power. With the swift resolution of this matter, the City reiterates that it shall never countenance acts of violence, or violations of human rights towards any individuals.”
Matapos pakainin ay dinala si Michael sa Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Facility (TAHANAN). Siya ay nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Inirekomenda ng doktor na siya ay isailalim sa outpatient treatment.
Inihatid si Michael sa kanyang pamilya na 16 na taon na niyang hindi nakikita at masayang niyakap ang kanyang limang buwang apo.
Ayon sa city government ang lahat ng tauhan ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan sa pag-aresto ng lumalabag sa ECQ ay paggagamitin ng body camera upang matiyak na masusunod ang panuntunan sa panghuhuli.
Nag-viral sa social media ang video nang pagpalo kay Michael.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.