3 rebelde patay, kawal sugatan sa engkuwentro | Bandera

3 rebelde patay, kawal sugatan sa engkuwentro

John Roson - May 01, 2020 - 01:06 PM

TATLONG kasapi ng New People’s Army ang napatay at isang sundalo ang nasugatan, nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo sa Bindoy, Negros Oriental.

Narekober ang bangkay ng mga napatay na rebelde, pati na mga sari-saring gamit pandigma, ayon sa ulat ng Army 303rd Infantry Brigade.

Naganap ang engkuwentro dakong alas-4 ng hapon Huwebes, sa Sitio Namunduan, Brgy. Cambudlas.

Katatapos lang magpatrolya ng mga tauhan ng 94th Infantry Battalion at Bindoy Police nang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga rebeldeng nangingikil doon, ayon sa ulat.

Habang palapit ang mga sundalo’t pulis sa puwesto ng mga rebelde ay sumiklab na ang palitan ng putok, na tumagal nang mahigit 30 minuto, ayon sa militar.

Bukod sa bangkay ng tatlong rebelde, nakarekober ng isang shotgun na may mga bala, bandolier na may mga magazine at bala, at isang rifle grenade.

Nakarekober din ng dalawang backpack, anim na pares ng bota, mga gamot at gamit panglunas, mga subersibong dokumento, at personal na kagamitan.

Nagsasagawa pa ng pagtugis laban sa mga nakatakas na rebelde, ayon kay Col. Inocencio Pasaporte.

“I urge the people of Bindoy as well the whole people of Negros Island to continue reporting the presence of these NPA terrorists in their communities. We will be pursuing them relentlessly to maintain peace and security,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending