MAHIGIT sa 500 overseas Filipino workers na ang sumasailalim sa 14-day quarantine sa pasilidad na itinayo ng Department of Transportation.
Kahapon ay 332 OFW ang naka-quarantine sa dalawang barko na nakadaong sa Pier 15 sa Manila South Harbor.
Ang malaking barko ay may 255 OFW malapit na sa kabuuang kapasidad nito na 283. Ang isa pang barko ay may kakayanan na magsakay ng 143 OFW at may 77 OFW na sa kasalukuyan.
Ang quarantine facility naman sa Eva Macapagal Terminal ay may 203 pasyente na. Kaya nitong tumanggap ng 211 OFW na sasailalim sa quarantine.
Mula noong Abril 11 ay 48 OFW na ang nakatapos ng 14-day quarantine..
“We have seen the increasing need to serve those affected by this pandemic and we’ve witnessed the demand for the provision of temporary accommodations for them. Gayunpaman, tuluy-tuloy ‘ho ang serbisyo ng inyong Kagawaran para magsilbi sa ating mga bayani. To our returning OFWs, these facilities are meant to assist you, and it is our way of saying that we can get through all this together,” ani DOTr Secretary Arthur Tugade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.