Sarah Geronimo 'great love' ni John Lloyd Cruz | Bandera

Sarah Geronimo ‘great love’ ni John Lloyd Cruz

Ervin Santiago - April 28, 2020 - 02:17 PM

BUKING! Yan ang sigaw ng mga netizens nang mapanood ang Instagram Live chikahan session nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kahapon.

Viral ngayon ang nasabing video kung saan napag-usapan ng dating Kapamilya loveteam ang ilang napapanahong issue tulad ng lockdown at COVID-19 pandemic.

Pero ang talagang ikinagulat ng netizens ay ang pambubuking ni Bea kay John Lloyd tungkol sa “GL” o great love ng award-winning actor.

Sa isang bahagi ng IG Live ni Bea, napag-usapan nila ni Lloydie ang tungkol sa halos 18 years na nilang pagkakaibigan, pati na ang mga proyektong ginawa nila.

Ang kauna-unahang teleseryeng ginawa nila ay ang Kay Tagal Kang Hinintay noong 2002, 13 years old pa lang that time si Bea habang 19 naman si John Lloyd.

Dito, muli silang nagbatuhan ng mga dialogue mula sa mga pinagsamahan nilang pelikula at serye kabilang na nga ang iconic movie nilang “One More Chance” noong 2007 kung saan sumikat ang mga karakter nilang Basha at Popoy.

Hanggang sa mag-dialogue na nga si John Lloyd ng, “I don’t get jealous, I’ve never been jealous. Ngayon lang.”

Hirit ni Bea, “Taray! Hindi ako kasama diyan. Ibang pelikula ‘yan. Nakakabuwisit. Hindi ako yun.”

Ang tinutukoy ng aktres ay ang pelikula ni John Lloyd na “A Very Special Love” noong 2008 kasama si Sarah Geronimo.

Bwelta naman ni Lloydie kay Bea, “Why? Are you jealous?” Isang malakas na tawa lang ang sagot ni Bea sabay hirit ng, “Hindi, ‘no. Wala akong laban dun, GL yun, e. Anong laban ko dun?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halata namang na-conscious at nabigla si Lloydie sa sinabi ni Bea kaya ngingiti-ngiti itong humirit ng, “Hayop.”

Kasunod nito, nagpasalamat si Lloydie kay Bea dahil hindi ito nawala sa buhay niya kahit na hindi na sila nagkikita at nagkakatrabaho. At bago tuluyang magpaalam sa isa’t isa, sinabihan ni John Lloyd ang kanyang anak na si Elias para mag-hi kay Bea at sa kanyang followers dahil patutulugin na niya ang bagets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending