586 seafarers nagbarko pauwi ng probinsya | Bandera

586 seafarers nagbarko pauwi ng probinsya

Leifbilly Begas - April 28, 2020 - 12:51 PM

UMABOT sa 586 seafarers ang nakauwi na sa kani-kanilang probinsya matapos na maiproseso ng Malasakit Help Desk.

Ang unang batch ay 305 seafarers na bumiyahe papunta ng Bohol, Cebu, Dumaguete, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Negros Oriental, Ozamiz, Zamboanga City at Zamboanga del Sur. Sila ay sumakay ng 2Go Saint Michael the Archangel at umalis ala-1 ng umaga kahapon.

Ang ikalawang batch naman ay 281 seafarers na biyaheng Aklan, Antique, Bacolod, Bukidnon, Cagayan De Oro, Camiguin, Capiz, Guimaras, Iloilo, Misamis Oriental at Negros Occidental. Sila ay umalis alas-7 ng gabi sakay ng 2Go Saint Leo the Great.

Marami pa umanong iuuwing OFW sa mga susunod na araw.

Mula noong Pebrero 22, umabot na umano sa 23,000 seafarers ang umuwi sa bansa marami sa kanila ay galing sa mga cruise ships at passenger vessel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending