John Lloyd: Nalulungkot ako para sa anak ko...feeling ko mag-isa ako | Bandera

John Lloyd: Nalulungkot ako para sa anak ko…feeling ko mag-isa ako

Ervin Santiago - April 28, 2020 - 12:26 PM

“NATATAKOT ako para kay Elias!” 

Ito ang inamin ni John Lloyd Cruz sa pakikipagkuwentuhan niya kay Bea Alonzo nang sabay silang sumalang sa Instagram Live kahapon.

Ayon kay Lloydie, hindi niya maisip kung paano ang magiging buhay ng kanyang anak sa gitna ng mga nangyayari ngayon sa bansa at sa mundong kalalakihan nito.

“Alam mo sa totoo lang, nalulungkot ako para sa anak ko, actually hindi lungkot e’ mas takot. Natatakot ako para kay Elias,” sabi ni Lloydie sa kanyang ka-loveteam.

“Natatakot ako kung paano ko siya palalakihin sa ganitong mundo, natatakot ako na dito ko siya palalakihin sa ganitong estado ng mundo.

“Iba na ‘yung mundong gingawalawan natin, e. Ibang-iba na. Nakakatakot e, ang bilis nang mamatay ngayon e, ang bilis nang pumatay.

“Iniisip ko matatawag ba talaga natin na masuwerte ang sarili natin habang ‘yung iba na hindi masuwerte, nababaril lang ng ganu’n-ganu’n sa kalye, namamatay na lang ng walang kalaban-laban dahil sa sakit,” mahabang lahad ni John Lloyd.

“Ako nahihirapan akong sabihin na masuwerte ako, nakakahiya,” hirit pa niya.

Samantala, sa isang bahagi naman ng IG Live natanong ni John Lloyd si Bea kung alam nito kung kailan siya pinakamasaya.

“Kapag kasama mo si Elias,” sagot ni Bea na ang tinutukoy nga ay ang anak ng aktor kay Ellen Adarna.

Sunod na tanong ni Lloydie, “Kailan ako pinakamalungkot,” na sinagot naman ni Bea ng, “Pag mag-isa ka.” 

“Pag mag-isa ako,” ulit ng aktor. “Parang mag-isa ako ngayon e,” dugtong niya.

Hugot pa ni Lloydie, “Hindi ako mag-isa pero parang mag-isa, alam mo ‘yun. Alam ko nakakausap kita, minsan nakakausap ko din sila Jobert (Austria) mga kaibigan ko. Pero, iba pa rin e, parang may pag-iisa pa rin, e, alam mo ‘yun?”

“Parang ito yata ‘yung pinakamalungkot na uri ng pag-iisa, ‘yung tipong napapalibutan ka naman ng ibang tao, pero hindi mo lang alam, hindi mo lang masabi kung saan nanggagaling ‘yung pakiramdam na nagsasabi na mag-isa ka pa rin,” ani John Lloyd.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin siya sa mga blessing na natatanggap niya, “Okay ka naman, masuwerte ka may bahay ka, nakaka-kain ka ng higit sa dapat kahit nasa lockdown ka, nakakapag-internet ka, so ‘di ba dapat masaya ka na? ‘Di ba dapat nagpapasalamat ka na lang, natututo kang makuntento, kung anong meron ka, kung nasaan ka.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako okay naman, masuwerte na, pero hindi ko lang talaga masabi kung saan nanggagaling ‘yun, kung bakit may ganito kang nararamdaman,” lahad pa ni John Lloyd.

Pinayuhan naman ni Bea ang aktor at piliing maging happy at kuntento  sa kabila ng lahat, “Try mo pa din maging masaya para kay Elias lang.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending