NAGHAHANDA na ang Department of Health kasama ang iba pang government agencies para magsagawa ng mass testing para sa coronavirus disesae (COVID-19) sa mga bilangguan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipagtulungan na sila sa Department of Interior and Local Government para sa pagsasagawa ng protocol dito.
“Mayroon naman tayong plano para isagawa ang mass testing especially in our close institutions. Pinag-aaralan pa lang kung paano ang gagawin at saka anong klaseng tests ang ibibigay natin.”
Ito’y matapos magkaroon ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City jail at Cebu City jail.
Ayon pa kay Vergeire, naghahanda na ng temporary facility kung saan makaka-quarantine ang mga presong positibo sa COVID-19.
Plano din ng Department of Justice na mag-release ng ilang preso para mabawasan ang pwedeng mahawaan.
Maghahanda rin ng protocols ang DOH dito dahil kinakailangan umanong ma-test ang mga presong ire-release.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.