Bus ng mga umuwing seaman naaksidente: 4 sugatan | Bandera

Bus ng mga umuwing seaman naaksidente: 4 sugatan

John Roson - April 25, 2020 - 08:24 PM

APAT katao ang sugatan nang maaksidente ang bus na sinakyan ng mga seaman na umuwi sa gitna ng 2019-Coronavirus pandemic, sa Pagbilao, Quezon, Sabado ng hapon.

Kabilang sa mga sugatan ang driver ng bus na si Gualberto Guzman, residente ng Antipolo City, Rizal, ayon kay Col. Audie Madrideo, direktor ng Quezon provincial police.

Sugatan din ang isa sa mga sakay na si Regine Joy Fuentes, ng Brgy. Sta Catalina, Pagbilao, habang bahagyang pinsala ang tinamo ng mga sakay ding sina Reymar Abendano at Michael Angelo Moreno, kapwa ng Calauag, at Romel Cabello, ng Atimonan.

Naganap ang insidente sa bahagi ng highway na sakop ng Brgy. Bukal, dakong alas-5:20.

Minamaneho ni Guzman ang BK Travel and Tour bus (ACZ-3827) mula Maynila, nang sumalpok ang sasakyan sa bahay nina Adelaida Garcia, Ireneo Ayala, at Pedro Ayala.

Dinala na sina Guzman at Fuentes sa MMG Hospital para malunasan.

Walang naiulat na nasugatan sa mga taong nasa mga nasalpok na bahay.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na “human error” ang sanhi ng insidente, pero nire-review pa ng lokal na pulisya ang mga kuha ng CCTV doon upang makatiyak, ani Madrideo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending