HALOS 20,000 overseas Filipino workers na ang umuwi sa bansa mula nang magpatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs 19,466 na ang umuuwing OFW at inaasahan nito ang pag-uwi ng libu-libo pang OFW sa mga susunod na linggo.
Sinabi ni DFA Undersecretary Brigido Dulay na 15,130 sa mga umuwi ay seafarers na dating nagtatrabaho sa 75 cruise ships.
“Marami pang parating in the next few days. Uuwi pa ang libo-libo nating mga kababayan galing sa ibang bansa,” ani Dulay.
Ang mga umuwi galing sa mga cruise ships ay sumailalim na sa 14-day quarantine kaya maaaring mag-home quarantine na lamang ang mga ito upang matiyak na hindi nahawahan ng COVID-19.
Ang mga land-based OFW naman ay dadalhin sa mga quarantine facility na itinayo ng gobyerno at pribadong sektor. Sila ay pauuwiin makalipas ang 14 na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.