Retiradong kawal na napatay ng pulis ginawaran ng honors, ihihimlay sa Libingan ng mga Bayani | Bandera

Retiradong kawal na napatay ng pulis ginawaran ng honors, ihihimlay sa Libingan ng mga Bayani

John Roson - April 25, 2020 - 01:50 PM

NAKATAKDANG ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang retiradong sundalong binaril at napatay ng pulis na nagpatupad ng enhanced community quarantine sa Quezon City.

Dinala ang mga labi ng retired Cpl. Winston Ragos sa Army Mortuary sa Libingan ng mga Bayani, Sabado ng madaling-araw, at pagdating doon ay ginawaran siya ng military honors.

“We condole with the family of the late Cpl. Ragos, he has suffered enough from the challenges of PTSD caused by the invisible wounds of war… The Army honors Ragos for his service and sacrifice that defines us,” ani Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Ayon kay Army spokesman Col. Ramon Zagala, bago ito’y nakipag-ugnayan ang hukbo sa ina ni Ragos para ilipat ang mga labi mula sa St. Eldridge funeral homes ng Quezon City.

Sinundo rin ng hukbo ang anak ni Ragos para makadalo sa lamay.

“The Army will shoulder all burial expenses and other assistance needed by the family,” ani Zagala.

Una dito, hiniling ng Army sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng hiwalay na pagsisiyasat sa pagpatay ng pulis kay Ragos noong Abril 21.

“The request was for an impartial investigation to find out the truth,” ani Zagala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending