Nasa ECQ na tatawid sa GCQ pinababantayan | Bandera

Nasa ECQ na tatawid sa GCQ pinababantayan

Leifbilly Begas - April 25, 2020 - 11:05 AM

Lockdown

KAILANGAN umano ng ibayong pagbabantay upang matiyak na hindi kakalat ang coronavirus disease 2019 sa mga lugar na isasailalim sa General Community Quarantine na mas maluwag kumpara sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda dapat bantayan ang mga boundary dahil maaaring may mga tao na nasa ECQ areas na gustong tumawid sa GCQ areas.

Bukod dito ay maaari rin umanong maging “overconfident” ang mga lugar na nasa GCQ kaya maaaring kumalat doon ang COVID-19.

Hindi rin umanong imposible na magkaroon ng kalituhan sa mga checkpoint ng GCQ at ECQ areas.

“All three would be dangerous for health and economic outcomes, so it’s essential that we recognize them before they happen and proactively address them,” ani Salceda na nagpadala ng rekomendasyon sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para malimitahan ang pagkalat ng virus.

“Communications efforts by the Department of Health (DOH) and the Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases must be directed towards ensuring that the public still takes as much personal caution and observes as many of the best practices as would be accessible to them.”

Mahalaga umano na hindi maputol ang suplay ng pagkain sa pagitan ng GCQ at ECQ kaya kailangan na maging malinaw sa mga checkpoint sa boundary ng mga lugar ang umiiral na polisiya.

“The national task force (NTF) implementing the quarantine restrictions must secure ECQ-to-GCQ transit, and ensure that it remains limited to essential travel and transport of necessary goods and their components. Leakages, especially of persons under investigation (PUIs) and persons under monitoring (PUMs) from ECQs and seeking less stringent quarantine regimes, may cause new outbreaks.”

Dapat din umanong buksan na ang mga piling industriya gaya ng agrikultura, food retail at food manufacturing, logistics, tubig at enerhiya, telecommunications at media.

“Where consumer demand will not be sufficient to support full operation, it may be unnecessary (and counterproductive) to consider a full opening of the industry,” dagdag pa ng solon.

Kailangan umanong piliin ang mga magbubukas na industriya at matukoy kung anong sektor ng mga babalik sa trabaho ang kikita.

“In simple terms po, pag walang bibili, wag nang buksan ang negosyo. Kailangan may bibili, may pangangailangan, at may proteksyon sa manggagawa. Kapag hindi po pasado sa tatlong ito, pag-isipan muna kung bubuksan.”

Si Salceda ang unang nanawagan ng lockdown sa Metro Manila matapos mapaulat ang unang community transmission sa San Juan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enero pa ng ihain ni Salceda ang panukalang pagtatayo ng Center for Disease Control at pagkakaroon ng special powers upang matugunan ang national health emergency.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending