BB Gandanghari pinatay sa socmed: OMG! Natakot ako…nakakapraning!
“BB Gandang Hari o Rustom Padilla Natagpunag Patay Sa Kanyang Apartment!”
Yan ang balitang kumakalat ngayon sa social media na pinabulaanan mismo ni BB Gandanghari. Yes, isa itong fake news na talagang ikina-shock ng kapatid ni Robin Padilla.
Ginamit pa ng nagpakalat ng pekeng balita ang litrato ni BB at logo ng GMA News na may screenshot pa ni Vicki Morales habang nagre-report sa 24 Oras. Mababasa rin sa headline ang maling spelling ng salitang “natagpuan” na naging “natagpunag”.
Sa kanyang Instagram Live, ibinandera ni BB na buhay na buhay siya, “Yes, I am okay. I know you all got worried. I appreciate all the comments, yung mga nag-DM just to make sure I’m okay. Yes I’m okay… in the grace of our Lord.”
Dito na sinabi ni BB na kahit may balitang namatay na siya ay wala pa rin siyang natanggap na tawag o mensahe mula sa kanyang pamilya, “What’s really amazing, and I’m not saying this to spite anyone, honestly.
“But yun ang question sa mind ko, ‘Aren’t these the reasons why you call family abroad? To make sure.’ Yun ang naapektuhan ako. Hindi ako nagdadrama, pero sinasabi ko, merong automatic effect yun, e.
“You would kinda think, di ba mapapaisip ka, ‘Wow, naibalita na akong patay, walang DM.’ Paano nga? What if?” pahayag pa ng kapatid ni Binoe na naka-base na ngayon sa Los Angeles, California.
Pagpapatuloy pa niya, “Kung may mangyari sa akin dito, walang makakaalam. Again, I’m not saying they have to care. This is coming from my perspective.
“Coming from a person na ang akala niya meron siyang pinanggalingan. Hindi ko na nga sinasabing pamilya, e. Pinanggalingan na lang.
“So, I don’t know. That’s why I’m praying. Kasi yun ang mas nakakasakit sa akin ngayon, truthfully. But looking at it, just to appease me honestly, baka they have a strong feeling na fake news that’s why nobody even cared. Malungkot yun, kasi life and death na yun,” may himig pang sama ng loob na pahayag ni BB.
Ano ang naramdaman niya nang mabalitaan ang tungkol sa death hoax? “When I read it, just the headline alone, yung natagpuan akong patay sa apartment, parang oh my god! Natakot ako dun sa balita. Parang nakakapraning. May nag-iisip na para sa ‘yo na ganu’n.
“The truth of the matter is part of my fear is yun. Kahit kanino puwede mangyari iyon, e, especially sa taong nag-iisa. But you know, all these things, you make me pray hard. Diyos ko tulungan mo ako. So, please pray for me also,” pahayag pa ni BB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.