Duterte nagbanta ng martial law dahil sa pag-atake NPA
NAGBANTA si Pangulong Duterte sa New People’s Army (NPA) na mapipilitan siyang magdeklara ng martial law dahil sa patuloy na pag-atake ng rebeldeng grupo.
“Kanina o kahapon, dalawang Army nag-escort para i-deliver ang supply sa mga tao pati pera pinatay ninyo. If that is not lawlessness, what is that? Tell me,” sabi ni Duterte sa kanysng public address na enere ngayong umaga.
Idinagdag ni Duterte na inaabisuhan na niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kanyang balak.
“Kaya ngayon, ‘pag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon and it’s happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law because kayong mga NPA ang numero uno. Kinukuha ninyo ‘yung mga tulong sa tao pati ‘yung supply pagkain nila,” ayon pa kay Duterte.
Ito’y matapos na dalawang sundalo ang namatay sa magkahiwalay na engkuwentro sa Aurora at Agusan del Norte matapos namang makasagupa ng mga militar ang NPA habang nagbibigay ng seguridad sa pamimigay ng social amelioration fund sa mga apektado ng lockdown dulot ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).
“I might declare martial law and there will be no turning back. Kung ano ang martial law na klaseng gagawin ko akin lang ‘yan. Pero kung gusto ninyo kasi pinagpapatay ninyo ‘yung mga sundalo ko pati police na wala namang ginawa kung hindi samahan lang ‘yung nagde-deliver ng pera pati pagkain,” ayon pa kay Duterte.
Kasabay nito, may babala rin si Duterte sa mga sumusuporta sa NPA.
“Pati kayong mga legal magtago na kayo. Huwag ninyong sabihin p****** i** na wala kayong… You know, you’re a b******** you’re the legal fronts. Sa inyo kumukuha kayo ng pera. Ang mga negosyo dito na malalaki sa Pilipinas, nagdedeposito ng pera ‘yan sa bangko, sa account ninyo. Kinukuha ninyo ‘yan. Iyan ang totoo diyan kaya nabubuhay ‘yang NPA. Pati pa ‘yung extortion niyo doon sa…,” ayon pa kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.