BB masama ang loob sa pamilya: Ipinararamdam sa iyo na para kang walang kuwentang tao
HUGOT kung hugot ang mga pahayag ni BB Gandanghari tungkol sa kanyang pamilya ngayong panahon ng health crisis.
Sa Los Angeles, California na mag-isang naninirahan ngayon ang kapatid nina Robin at Rommel Padilla. At sa latest vlog nga niya sa YouTube naglabas si BB ng sama ng loob.
Aniya, buti pa raw ang mga followers at subscribers niya sa YouTube ay concern sa kalagayan niya ngayong may COVID-19 pandemic pero ang mga mahal niya sa buhay ay ni hindi man lang daw siya magawang kumustahin.
“Kasi sa ipinaparamdam sa iyo ng pamilya mo, na para kang walang kuwentang tao. Na you don’t deserve a call,” sentimyento ni BB.
Isang netizen ang nagsabi na pinanonood niya lagi ang mga vlog ni BB na sinagot naman ng kapatid ni Robin ng, “If I make you smile, why not?”
“Bakit ang mga pamilya ko, hindi ko mapa-smile? Bakit hindi sila nag-smile sa akin? Pakisagot naman. Buti pa kayo. Salamat ha.”
May mga netizen naman ang nagsabing naiintindihan nila ang feeling ni BB lalo na’t mag-isa lang siya ngayong namumuhay sa Amerika. Sana raw kahit paano’y mabawasan ang lungkot niya sa pakikipag-usap sa kanyang mga social media followers.
“At least, nararamdaman ko ngayon na hindi pala ako abnormal. Baka sila. Itong feeling ko na na masaktan ako, na ganito yung feeling ko.
“Hindi pala ako dramatic, manhid lang sila,” aniya pa habang umiiyak. Mas lalo raw siyang tumatapang ngayon dahil sa pagmamahal ng kanyang supporters mula sa iba’t ibang bahahi ng mundo.
Tuloy pa rin daw ang pagtatrabaho niya sa US kahit may COVID-19 crisis, “Essential kami kasi small business kami, and we have to survive.
“At the same time, hindi namin kino-compromise ang safety because we are not a people-oriented na small business,” aniya pa.
Inamin din ni BB na hindi pa rin niya isinusuko ang kanyang Hollywood dream. In fact, bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic ay may mga pinuntahan na siyang acting auditions.
“Ang acting dito, mahirap. You really have to go through the process. Ang acting dito is kailangan puhunanan,” lahad pa ni BB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.