Milyong pamilya nganga pa rin sa social amelioration fund
ISANG linggo na lamang at tapos na ang Abril pero marami pa rin umanong kuwalipikadong pamilya ang hindi pa nakatatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay AnaKalusugan Rep. Mike Defensor sa ulat ng DSWD noong Abril wala pa sa kalahati ng 18 milyong pamilya na tutulungan ang nabigyan na ng P5,000-P8,000 tulong.
“With only one week to go before the enhanced community quarantine is lifted, extended or modified, we have to speed up the process so that the aid reaches poor households and workers.”
Ang DSWD ang pangunahing nagbibigay ng tulong katuwang ang Department of Labor and Employment, Department of Transportation at Department of Agriculture.
Sa huling ulat ng DSWD, 4.1 milyon pa lamang ang kanilang natutulungan hanggang noong Abril 18 o 23 porsyento lamang ng 18 milyong pamilya.
Sa mga ito 3.7 milyon ang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Naibigay na umano ng DSWD ang 73.8 bilyon sa P100 bilyon na ibibigay ngayong buwan sa mga lokal na pamahalaan na kanilang katuwang sa programa. May ibinibigay ding kaparehong halaga ng tulong sa susunod na buwan.
Ang DOLE naman ay nakapagbigay na ng tulong sa 419,447 o 60.5 porsyento ng 693,644 empleyado na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.
Ang DA may mayroong P3 bilyong pondo na ipamamahagi sa 591,246 magsasaka at ang natulungan na ay 52,043 o 8.8 porsyento.
“This means that our cash aid distribution performance ranged from a low of 8.8 percent to a high of 60.5 percent, excluding those served by LGUs. Clearly, there is enough room for improving the delivery of assistance to the poor,” ani Defensor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.