1 sa 4 pamilya palang nakatanggap ng tulong sa SAP | Bandera

1 sa 4 pamilya palang nakatanggap ng tulong sa SAP

Leifbilly Begas - April 23, 2020 - 02:23 PM

ISA lamang sa apat na benepisyaryo ng social amelioration program ang nakatanggap na ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Ayon kay Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, nasa 91 porsyento na ng pondo ay nailipat ng Department of Social Welfare and Development sa mga lokal na pamahalaan na siyang namimigay nito.

Ang nabigyan naman ng lokal na pamahalaan ay nasa 25.4 porsyento lamang.

“Bago kasi na-download medyo maraming issues na ni-resolve,” ani Año sa panayam sa radyo. “Pero kami, pinu-push na namin iyong LGUs to comply.”

Sa Metro Manila ang mabilis umano sa pagbibigay ng ayuda ay ang Pasig, Parañaque at Marikina.

Pinamamadali rin ni Año ang mga LGU sa pagsusumite ng listahan ng mga nagrereklamo dahil hindi kasama sa nabigyan.

“Kung gaano mo kabilis na mai-submit iyan, ganoon din kabilis na magagawan ng aksyon… Do your job, stop complaining,” saad ng kalihim.

Sinabi naman ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor ang tulong ay para sa buwan ng Abril at Mayo pero patapos na ang kasalukuyang buwan ay marami pa rin ang hindi nakakakuha ng tulong pinansyal.

Aabot sa 18 milyong pamilya ang inaasahang makikinabang sa P5,000- P8,000 ayuda bawat buwan sa loob ng dalawang buwan.

“With only one week to go before the enhanced community quarantine is lifted, extended or modified, we have to speed up the process so that the aid reaches poor households and workers,” ani Defensor.

Bukod sa DSWD, nagbibigay din ng tulong pinansyal ang Department of Labor and Employment, Department of Transportation at Department of Agriculture.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending