Bossing ginagamit sa fake promo; Willie nagbanta sa mga manloloko | Bandera

Bossing ginagamit sa fake promo; Willie nagbanta sa mga manloloko

Ervin Santiago - , April 22, 2020 - 02:54 PM

NAGBIGAY na rin ng warning ang Kapuso TV host-actress na si Pauleen Luna sa lahat ng Dabarkads na mag-ingat sa mga fake social media accounts.

Nakarating kay Poleng na may mga fake promos sa internet na gumagamit sa asawa niyang si Bossing Vic Sotto ngayong may health crisis sa bansa.

Ayon sa post ng nasabing pekeng account sa Facebook, magbibigay daw sila ng cash donation sa mga naapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakalagay doon ang pangalan ni Bossing pati ang ilang litrato nila ng kanyang asawang si Pauleen. Pero mariin ngang pinabulaanan ng TV host na may ganito silang pa-promo. 

Ni-repost ng Eat Bulaga host ang nasabing FB page sa kanyang Instagram Story kasabay ng payo sa publiko na maging maingat sa mga fake promos sa social media dahil napakarami na ngayong sindikato na nananamantala sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

 “Please do not fall into their trap! So many people are sending their address etc,” caption ni Poleng sa kanyang IG warning.

Bukod kay Bossing, ilang beses na ring nabiktima ng fake news ang anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto. Kaya naman ang lagi niyang paalala sa publiko, huwag basta maniniwala sa mga namimigay ng pera sa socmed.

“Don’t forget that there are a lot of fake accounts, fake quotes, fake anything-you-can-think-of… Hassle to deal w this on top of a health crisis.. di siguro maiwasan sa panahon ngayon lalo na’t maraming bored,” ani Vico.

* * *

Binigyan din ng warning ni Willie Revillame ang publiko na huwag magpaloko sa mga nang-i-scam gamit ang Wowowin.

Sabi ng TV host-comedian, basta tumutok lang sa live broadcast ng Wowowin sa YouTube, Facebook, Twitter at sa GMA 7 dahil siguradong maraming manloloko sa internet para sa kanilang sariling interes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Paalala lang po, huwag kayo maniniwala sa mga pages o grupo o groups [on] Facebook na sila ay ‘Tutok To Win.’ Wala po kaming Sabado at Linggo. ‘Wag po.

“Sa akin lang po kayo maniniwala at ako ang magbibigay sa inyo. ‘Yung iba ho nanloloko. At saka ‘yung mga numero ng telepono n’yo, huwag n’yo hong ilalagay,” paalala pa ni Willie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending