Lucky callers ni Willie sa Wowowin nag-iiyakan  | Bandera

Lucky callers ni Willie sa Wowowin nag-iiyakan 

Cristy Fermin - April 21, 2020 - 01:25 PM

PATULOY ang pagbibigay-saya ni Willie Revillame sa kanyang show na pansamantalang may titulong “Tutok To Win” bilang bahagi ng kanyang Wowowin.

    Nagbago ang konsepto ng programa ngayong nasa enhanced community quarantine ang buong kapuluan, tututok ka lang sa show, dahil du’n manggagaling ang mga tanong ni Willie sa caller na nakatatanggap ng papremyong sampung libong piso o higit pa.

    Masigla ang kabuuan ng kanyang show, patawa nang patawa si Willie, dahil gusto niyang pansamantalang malibang ang mga kababayan natin sa hirap ng buhay na pinagdadaanan natin ngayon.

    Kung anu-ano lang ang kanyang tanong, parang dahilan na lang ‘yun sa kusang-loob niyang pamimigay ng cash, ano ba ang kulay ng kanyang suot o nakamedyas ba siya at kung anu-ano pang kababawang katanungan.

    Sumisigaw sa pasasalamat ang mga nananalo, ito nga naman ang panahon na ang sampung libong piso ay maituturing nang ginto, dahil sa lockdown.

    Meron ding nag-iiyakan, emosyonal ang ibang callers ni Willie, dahil hindi nga naman biro ang kahirapang pinagdadaanan nila ngayon.

    Pero nang ipalabas ang mga VTR tungkol sa mga dakila nating frontliners, pati na ang pakikipaglaban sa kamatayan ng mga kinapitan ng COVID-19 ay si Willie ang naging emosyonal, nakita siyang nakayuko na lumuluha.

    Miss na miss na raw kasi niya ang kanyang mga anak, gusto niyang makasama-mayakap ang mga ito pero nakaharang sa kanila ang lockdown, nakapagkukumustahan din naman sila sa video call pero para sa kanya ay personal niyang gustong makita ang mga anak niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending