Bituin Escalante nagpakalbo; mga kaibigan sa showbiz na-shock  | Bandera

Bituin Escalante nagpakalbo; mga kaibigan sa showbiz na-shock 

Ervin Santiago - April 20, 2020 - 01:27 PM

#SHOOKT! Ginulat nga ng biriterang singer na si Bituin Escalante ang madlang pipol nang bumandera sa social medi ang kanyang bagong look.

Biglang nagpakalbo si Bituin at proud na proud nga niya itong ipinost sa kanyang Instagram account.

Isang simpleng “low maintenance” lang ang caption na inilagay niya sa litrato at wala nang explanation kung bakit nagdesisyon siyang magpakalbo.

Ang paniwala ng kanyang mga fans and social media followers, mukhang hindi na nakayanan ng OPM artist ang tindi ng init ngayong summer kaya ipina-shave na niya ang kanyang ulo.

Comment pa ng ilang netizens, “bold”, “fierce” and “perfect for the summer” ang bagong look ni Bituin na talagang ikinabigla pati ng mga kaibigan niya sa showbiz.

“Your confidence is damn sexy!!!” comment pa ng isa niyang follower with matching fire emojis.

Narito ang ilan pang comments ng mga IG followers ni Bituin.

“Parang gusto ko na ring magpakalbo, what do u think?” 

“Wakanda foreverrrr!” 

“Naisip ko na ring gawin yan!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang tapang mo girl! Sana magkalakas din ako ng loob na magpakalbo, ultimate dream ko yan. First time kong naisip yan noong magpakalbo rin si Dawn Zulueta!”

Ni-like at pinusuan din ito ng ilang celebrities tulad nina Regine Velasquez, Sue Ramirez na nagsabing inggit na inggit siya kay Bituin, Katrina Velarde, Jim Paredes, Mikoy Morales at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending