Kyline enjoy sa ‘ECQ life’ sa Bicol; nakakamay lang pag kumakain
NAKULONG sa Maynila ang halos lahat ng mga artista nang ipatupad ang enhanced community quarantine. Bibihira ang pinag-abutan ng lockdown sa kanilang mga probinsiya.
Masuwerte si Kyline Alcantara dahil mula sa pinakahuli niyang taping ay dumiretso na agad sila sa Naga City, CamSur, nandu’n pa siya hanggang ngayon, kasama ang kanyang mga kapamilya.
Napakasarap panoorin ang kanyang video habang namimitas ng mga gulay at prutas mula sa bakuran ng kanyang lolo at lola.
Hindi na halos sila nagpupunta sa palengke dahil nandu’n na ang kanilang mga pangangailangan, mahilig magtanim ng mga gulay ang kanyang lolo na ngayon ay pinakikinabangan nila, ipinakikita pa ang young actress habang ihinahanda ang mga bunga ng malunggay na iluluto ng kanyang tiyahin.
At ang nakatutuwa ay ang eksenang kumakain si Kyline nang nakakamay lang.
Napakasarap nga namang kumain nang walang gamit na mga kubyertos, lalo na kung matinik na isda ang ating ulam, mas nakabubusog ang pagkakamay sa totoo lang.
Napakasarap sa pakiramdam ni Kyline na kasama niya ngayon ang kanyang pamilya, matagal-tagal din siyang hindi nakauuwi dahil nagkasunud-sunod ang kanyang trabaho, kaya sinasamantala niya naman ang pagkakataon ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.