Maymay: Hindi ako sanay na may nagkaka-crush sa akin
FRESH at mukhang nakarekober na ang aura ni Maymay Entrata sa isyung kinasangkutan nila kamakailan ng ka-loveteam na si Edward Barber.
Napanood namin ang dalaga nu’ng mag-guest siya sa Kapamilya morning celebrity talk show na “Magandang Buhay” recently.
Si Maymay ang “regalo” ng mga momshie ng “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada sa vlogger na si Ian dahil sa sayang hatid nito sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
In fairness, ang ganda-ganda ni Maymay nu’ng mapanood namin na very, very light lang ang make-up. At damang-dama ng viewers ang mga tawa niya na may halong kilig habang kinakausap si Ian via Zoom app.
Kinikilig din kasi ang vlogger na si Ian habang kinakausap si Maymay. Aminado si Ian na matagal na niyang crush ang youngstar simula pa nu’ng lumabas ang Kapamilya star sa Pinoy Big Brother house noon.
Sinasaway naman ni Maymay si Ian sa pagsasabi na crush siya nito baka raw kasi lumaki na ang ulo niya, “Saka, hindi ako sanay na may nagkaka-crush sa akin. Ha-hahaha!”
Sabi naman ni Momshie Melai, hopeless romantic daw kasi si Ian kaya hiling nito i-share ni Maymay kay Ian ang mga natutunan niya sa usaping pag-ibig.
“Okay lang yan. Nineteen ka pa lang. Marami pa tayong makikilala, Ian,” payo ni Maymay.
Hirit naman ni Momshie Karla kay Maymay, “Sabi ni Maymay, tayo.” Kaya bawi ng dalaga, “Ay, hindi! Marami ka pang makakasalamuha makikilala, magiging kaibigan. Tapos, ibibigay sa ‘yo ni Lord ‘yung kung sino yung para sa ‘yo. Ang dapat mo lang gawin is have faith. Always pray.”
Dagdag pa ni Maymay, “Dapat talagang ipinagdarasal natin ‘yung mga ganyan. Hindi basta-basta, nang sa ganoon ang ibibigay sa ‘yo ni Lord ‘yung perfect talaga para sa ‘yo.”
Anyway, kinumusta naman ni Momshie Karla si Maymay, “Okay naman po Momshie Karla,” sagot nito.
Tinatawagan daw niya ang kanyang pamilya every week, “Tapos, masayang-masaya po ako dahil sa Camiguin po, meron pong isa (COVID-19 patient) pero nakalipad na po sa Cagayan de Oro.”
Maayos din daw ang kalagayan sa Japan ng kanyang nanay, “Thankful po ako dahil ang Mama ko, nasa provonce sila. Tapos, walang positive doon. Yehey! Thank you Lord.”
Kung matatandaan, may lumabas na balita na nagsasabing may ibang babaeng nililigawan si Edward at ito raw ang dahilan kung bakit biglang naglabas ng official statement ang MayWard loveteam na wala silang relasyon at gusto muna nilang mag-concentrate sa kanilang career.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.