Bayan sa Cavite nasa state of calamity | Bandera

Bayan sa Cavite nasa state of calamity

John Roson - August 10, 2013 - 03:48 PM

PINAGBAWAL ng mga awtoridad ang panghuhuli at pagkain ng laman-dagat sa mga baybaying dagat ng Cavite habang isang munisipyo ang nagdeklara  ng “state of calamity,” dahil sa pagtagas ng langis.

Bawal munang humuli at kumain ng lamang-dagat sa Rosario, Tanza, at Naic, ayon kay Vicente Tomazar, direktor ng Office of Civil Defense-Calabarzon.

“Automatic ‘yan pag apektado ay talagang nagkakaroon na ng precautionary warning na ‘yung mga tinamaan ng oil spill ay talagang dapat ‘wag munang [manghuli at kumain] ng seafood… binibigyan ‘yung mga tao ng warning sa pagkain ng seafoods,” sabi ni Tomazar nang kapanayamin sa telepono.

Ayon sa opisyal, sa bayan ng Rosario pa lamang ay siyam na “coastal barangays” at aabot sa 300 mangingisda na ang naapektuhan ng pagtagas ng langis kaya nagdeklara na ang lokal na pamahalaan ng “state of calamity.”

“Marami kasing naapektuhan sa Rosario, ‘yung mga fisherman nila at ‘yung mga taong natakbo sa ospital dahil sa amoy pero nakauwi na rin,” ani Tomazar.

Sa kabila nito ay tumutulong na ang mga residente sa lokal na pamahalaan ng Rosario sa “manu-manong” paglili-nis ng baybayin gamit ang mga piraso ng foam.

“Wala kasi silang pangsipsip na gamit, kaya manu-mano lang ang ginagawa nila ngayon,” ani Tomazar. Sa bayan naman ng Tanza ay may 13 barangay ang naapektuhan habang sa Naic ay siyam na barangay ang tinamaan ng “minimal oil spill.”

Hanggang kahapon ay nasa bahagi ng Cavite pa lang ang tumagas na langis, ngunit pinangangambahan na kakalat ito hanggang Maynila.

Kahapon ng umaga, umabot sa 20 kilometro ang haba ng oil spill mula Rosario hanggang Ternate ayon kay Cmdr. Armand Balilo, tagapagsalita ng Coast Guard.

May lawak na 15 kilometro ang tagas at ang kumalat na langis ay kapareho ng nakuha sa M/T Makisig, ang barkong nagbuga ng diesel sa patungo isang depot ng Petron sa Rosario, ayon kay Balilo.

Samantala, sinabi ng Petron Corp. na iniimbestigahan na nito ang oil spill  . “Petron observed traces of oily sheen near the vessel (M/T Makisig) of its third-party contractor which just finished discharging diesel at its Rosario Terminal in Cavite,” ayon sa Petron  sa isang kalatas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending