NASAKOTE ng pulisya ang walo katao at nasamsam ang P86,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.
Naaresto ng Kamuning Police sina Rose-Ann Morales, 27, Angeline Muñoz, 31, Noriel Romero, 52, at Vergilio Osorio, 35, mga taga- Sampaloc, Manila.
Sila ay naaresto alas-6:50 kagabi sa Bayani st., Brgy. San Isidro matapos makabili ng P9,500 shabu ang isang police poseur buyer. Nakumpiska sa kanila ang P47,600 halaga ng shabu.
Nahuli naman ng Masambong Police si Monaim Rascal, 37, alas-5 ng hapon kahapon sa tapat ng Day Care Center sa Forestry st., Brgy. Vasra. Nakuha umano sa kanya ang P34,000 halaga ng shabu.
Batasan Police naman ang humuli kina Charlie De Vera, 21, at Jerry Dagdag, 34, alas-11:10 kagabi sa Acapolco st., kanto ng Lower Jasmin st., Area A, Brgy. Payatas. Nakuhanan umano sila ng P2,040 halaga ng shabu.
Talipapa Police Station naman ang humuli kay Rommel Valenzuela, 46, ng Brgy. Balon Bato, alas-10:30 ng gabi sa 10 Km NLEX Brgy. Balon Bato. Una siyang hinuli dahil sa paglabag sa curfew. Nakuhanan umano siya ng P2,500 halaga ng shabu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.