May mabubuko kaya? Listahan ng SAP beneficiaries ipaskil sa barangay
INUTUSAN ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang mga kapitan ng barangay na ipaskil ang listahan ng mga makatatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development.
“We want the process of identifying the target beneficiaries under the SAP to be transparent. Hence, we have directed all our punong barangays to post the masterlist of beneficiaries in strategic areas in their barangays so that the residents will also be informed if they will receive the said financial assistance from the government,” ani Año.
Sinabi ng kalihim na dapat ay maging malinaw kung sinu-sino ang makatatanggap ng ayuda ng gobyerno.
“Ang intensyon din natin dito ay para masiguro na kompleto at tama ang listahan ng mga barangay. Kung mayroon mang kulang o mali sa listahan, maaari itong aksyunan ng city o municipal government o ipagbigay-alam sa DSWD.”
Punto pa ni Año walang dapat na katakutan at itago kung naging maayos ang pamimigay ng social amelioration card.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.