Tom superhero rin ng mga driver, street vendor; 4 Kapuso stars hinamon ng TBATS
PINURI ng “Love of my Life” actress na si Carla Abellana ang ginagawang pagtulong ng nobyong si Tom Rodriguez para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis sa bansa.
Kasali si Tom sa proyektong “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause” na naglalayong matulungan ang mga jeepney drivers, construction workers at street vendors na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.
Sa Instagram post ni Carla, ipinakita niya sa kanyang followers ang litrato ni Tom na tinatapos ang lahat ng portraits ng mga nagbigay ng kanilang donasyon sa proyekto.
Aniya, “Here he was at past midnight last night, working hard to give portraits to those who donated. I’m not kidding when i say he spends a whole day on each one.”
Sa minimum donation amount na P500, binigyan ni Tom ng online portrait ang mga nagbigay ng tulong para sa mga empleyadong nawalan ng pagkakakitaan.
* * *
Muling mapapanood sina Arra San Agustin, Thea Tolentino, Kyline Alcantara at Therese Malvar sa The Boobay And Tekla Show ngayong Linggo, April 19.
Magkakaroon ng kampihan sa pagitan ng mga dating bida ng GMA Afternoon Prime sa “Talas-Salitaan.” Si Boobay ang kakampi ng “Inagaw na Bituin” stars na sina Kyline at Therese habang si Super Tekla naman ang teammate ng “Madrasta” stars na sina Arra at Thea.
Si Sef Cadayona naman ang kasama ng fun-tastic duo sa panggu-good time sa “Pranking in Tandem” segment. Ang biktima ng Bubble Gang star, isang nagtatrabaho sa waxing salon.
Sa “TBATS on the Street,” makikipagkulitan sina Boobay at Tekla sa mga tao sa palengke at magatgtanong kung kailan sila huling “nasarapan.”
Non-stop din ang tawanan sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody tungkol sa paranormal nature ng love doll nina Guy at Pip na si Maria Leonora Theresa.
Samantala, sorpresang eeksena naman sa “Dear Boobay and Tekla” ang isang Filipino-Australian hunk.
Tuloy-tuloy ang laugh trip ngayong Linggo kaya tutok na sa mas pinaagang The Boobay And Tekla Show ngayong Linggo, April 19, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.