Pinoy comedians sanib-pwersa sa ‘COVIDyante’ para sa frontliners
NAGSANIB-PUWERSA na ang mga comedian mula sa Kapuso at Kapamilya networks para sa iisang layunin: ang makatulong sa mga kapwa Pinoy.
Ang kanilang grupo ay tatawagin ngayong “COVIDyante” na ang pangunahing adhikain ay tulungan ang mga frontliners sa panahon ng enhanced community quarantine dulot ng killer coronavirus disease.
Ceasefire muna sa network war ang mga kasapi ng grupo na kinabibilangan ng cast ng Bubble Gang ng GMA 7 at Banana Sundae ng ABS-CBN na nagkaisa para maisakatuparan ang magandang layunin ng samahan.
Pinangungunahan nina Ogie Alcasid, Herbert Bautista, Janno Gibbs at ang Padilla brothers na sina Dennis at Gene, nag-iisip at nagpaplano na sila ngayon kung anu-ano pa ang pwede nilang gawin para makatulong sa panahon ng krisis.
Kasama rin nila si Vhong Navarro na nag-suggest ng isang challenge para ipakita ang suporta at pagmamahal nila sa mga bayaning frontliners.
Sina Janno at Jerald Napoles naman ang namamahala sa social media account ng grupo habang si Ai Ai delas Alas naman ang magbi-bake ng mga tinapay para ipamigay sa iba’t ibang sectors.
Sumapi rin sa COVIDyante sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Candy Pangilina at Ryan Bang.
Inaasahan na mas marami pang komedyante sa bansa ang sasali sa COVIDyante kaya siguradong mas lalawak pa ang kanilang maaabot para makalikom ng tulong para sa mga frontliners.
Ang official hashtag ng grupo ay #PunchlinersForFrontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.