Heart umaming nakikipaglaban din sa anxiety attack: Wag susuko  | Bandera

Heart umaming nakikipaglaban din sa anxiety attack: Wag susuko 

Ervin Santiago - April 18, 2020 - 10:20 AM

HEART EVANGELISTA

INAMIN ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na nakararanas din siya ng anxiety attack habang patuloy na nakikipaglaban ang buong mundo sa COVID-19 pandemic.

Isa si Heart sa mga celebrities na aktibong nagsasagawa ng relief operations para sa mga naapektuhan ng lockdown dahil sa health crisis sa bansa. 

Halos linggu-linggo ay may namamahagi ng ayuda ang misis ni Chiz Escudero sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho at medical frontliners pero kasabay nito ay ang nagkakaroon din siya ng anxiety attack.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres kung paano niya ito nilalabanan. Aniya, habang tumatagal ang enhanced community quarantine, ay tila patindi nang patindi ang mga challenge.

“On some days, battling anxiety gets really tough.”

“I just keep telling myself that as long as I keep pushing and fighting my demons, my happy heart will keep beating,” lahad ni Heart.

Ilang celebrities naman ang nagbigay ng words of encouragement kay Heart. Iisa lang ang laman ng kanilang mensahe, magpakatatag at huwag na huwag susuko…laban lang!

Ilan sa mga ito ay sina Iza Calzado Angelika dela Cruz, Kristine Hermosa at Pia Wurtzbach. 

Kamakailan, sinabi ni Heart na isa sa mga ginagawa niya para malibang ay ang pagpipinta.

“It never fails to calm my anxieties and inspire me to keep creating,” aniya.

Bukod dito, patuloy pa rin ang paggawa niya ng vlog para sa kanyang followers and fans. Kamakailan, ay naki-join din ang aktres sa #MaskSimple challenge kung saan ipinakita niya ang paggawa ng face mask gamit ang scarf at rubber bands 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you have any scarves or scrap fabrics at home, here’s a simple way to make your own masks. You can even put a filter inside for added protection,” aniya sa video.,

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending