Kaso ng phishing tumaas ng 100 porsiyento; IATF nagbabala sa online scam | Bandera

Kaso ng phishing tumaas ng 100 porsiyento; IATF nagbabala sa online scam

Bella Cariaso - April 18, 2020 - 10:15 AM

SINABI ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson Karlo Nograles na tumaas ng 100 porsiyento ang mga kaso ng phishing matapos naman ang pagdami  ng online transactions bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

“Aside from holding meetings online using different applications, the ECQ has compelled those of us fortunate to have internet connections to go online to perform tasks that would ordinarily require us to leave our homes. Ngayon, may mga bumibili ng groceries at tinapay online at pinapa-deliver na lang. May mga nago-online banking o nagbabayad ng mga bills online,” paliwanag ni Nograles.

Idinagdag ni Nograles na bagamat nakatulong ang online transactions sa marami dahil sa limitasyon dulot ng ECQ, sinabi ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division at Bangko Sentral ng Pilipinas na nadoble rin ang mga nabibiktima ng phishing.

“Bale ang modus operandi ng phishing ay may taong magpapanggap na empleyado ng bangko mo at hihingin nila ang detalye ng account mo tulad ng account number o password. Wag nyo pong ibigay; hindi po hihingin ng banko nyo yan – kahit kelan man, kahit sa ano mang pagkakataon,” dagdag ni Nograles.

Pinayuhan ni Nograles ang mga may reklamo na i-report ito sa NBI website.

“Wina-warn din po tayo na mag-ingat po sa mga humihingi ng donasyon online; may mga kriminal na nagpapanggap na kasapi sa mga respetadong institusyon. We encourage everyone to double-check and verify these requests for donations. Mas mainam po na magbigay sa mga personal na kakilala natin o personal na inendorso ng malalapit sa atin,” sabi pa ni Nograles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending