Tanong ng netizen kay Karla: Sa bahay n’yo na po nakatira BF mo?
NAPA-THROWBACK ang “Magandang Buhay” host at ina ni Daniel Padilla na si Momshie Karla Estrada sa kanyang Instagram account.
Ipinost ni Karla sa Instagram ang picture niya na nakasuot ng yellow one-piece bathing suit habang nasa swimming pool. At sa ‘di kalayuan ay lumalangoy naman ang bata pa noong si Daniel.
Kasabay ng throwback picture ni Momshie Karla ay ibinahagi rin niya ang video kung saan makikita naman siyang nagte-threadmill sa gym sa loob ng kanyang bahay.
Caption ni Momshie Karla sa kanyang IG post, “Trying to turn back time When I had that 21 waist line!with Cutie DP on the background! well.. di na babalik yun kaya mag lunch na tayo mga momshie! #goodvivesonly #stayhomechallenge.”
Positive naman at puro words of encouragement ang laman ng karamihan sa comment ng followers ni Karla.
Ilan sa followers ni Momshie Karla ay mga kaibigan niya at kasabayan sa Regal Films gaya nina Ruffa Gutierrez at Sunshine Cruz.
“Wowwww can’t wait to see mare!!!” comment ni Ruffa.
Habang si Sunshine ay apat na heart emojis naman ang inilagay sa kanyang comment.
Ipinost din ni Momshie Karla sa kanyang IG account ang mga larawan na kuha sa selebrasyon nila sa bahay noong Easter Sunday.
Unang piktyur ni Karla ay kasama ang kanyang mga anak, meron din with her friends, with her dog and with her boyfriend na si Jam Ignacio.
“Happy easter!!! missing you here @josecarlitoph see you tom anak! stay home and stay safe everyone.”
May nakapansin naman na natizen sa dami ng kasama ni Karla sa bahay.
Ayon kay madziful90, “Parang ang dami mong kasama sa bahay.”
Sinagot naman ni Momshie Karla ang netizen, “Napakarami talaga naming nakatira sa bahay.”
Kasunod ng reply niya ay ang tanong from a certain anavih_lucas, “Sa inyo na po nakatira bf nyo?” Pero walang reply ang nanay ni Daniel.
True kaya na nakatira na sa bahay ng ina ni Daniel ang boyfriend niya? O, baka naman inabutan lang ng lockdown si Jam sa bahay ni Karla?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.