Taga-San Mateo magpapa-COVID test sa Marikina
NAKIPAGKASUNDO ang San Mateo government at Marikina City government para magamit ang COVID-19 testing center ng huli.
Ayon kay San Mateo Mayor Tina Diaz isang Memorandum of Agreement ang lalagdaan nila ni Marikina Mayor Marcy Teodoro para maging pormal ang pagkakaroon ng access ng bayan sa testing center.
Nais ni Diaz na agad na matukoy ang mga residente na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Bukod kay Teodoro, nakausap din ni Diaz si Health Sec. Francisco Duque na bumisita sa testing center. Naroon din si dating Rizal Governor at Antipolo Mayor Jun Ynares.
Sa pinakahuling ulat ng San Mateo government 14 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan, apat dito ay pumanaw na at tatlo ang gumaling na. mayroong 15 suspected case at isang probable case.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.