Gerald kinakarir ang pagtatayo ng emergency quarantine facility; may panawagan sa publiko  | Bandera

Gerald kinakarir ang pagtatayo ng emergency quarantine facility; may panawagan sa publiko 

Ervin Santiago - April 17, 2020 - 01:34 PM

PARA mas marami pang maitayong emergency quarantine facility para sa mga frontliners, kinakarir ngayon ni Gerald Anderson ang pangangalap ng donasyon.

Bukod sa pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho at sa mga magigiting ng frontliners sa panahon ng krisis, mas naglalaan ngayon ng panahon ang Kapamilya hunk sa paghahanap ng pondo para sa COVID-19 patients at medical workers.

Sa tulong ng mga kasamahan niya sa Philippine Coast Guard, tuluy-tuloy ang pagpapagawa ni Lt. Auxiliary Guard Anderson ng mga emergency quarantine facility bilang tugon sa kakulangan ng espasyo sa mga medical facilities.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gerald ang ilang litrato na kuha sa ongoing construction ng emergency quarantine facility na nagsimula ngayong linggo.

 “Hi everyone.. I’m hoping everyone is staying safe.. I’m just trying to do my little part to ease the pain of our frontliners by building an Emergency Quarantine Facility for COVID 19 positive patients and for nurses and doctors that will need to be quarantined after their duties.

“If you are willing to help our team by donating it will be highly appreciated. Just contact: 09455830788. Please stay safe and healthy everyone. #parasabayan #beatcovid19,” panawagan pa ni Gerald.

Kamakailan ay ipinakita ng hunk actor ang walang-pagod na pagtulong sa kanya ng mga miyembro ng Coast Guard sa paghahakot ng mga materyales para sa itinatayong health facility.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending