outbrain

Official Twitter account ng Pasig na-hack; hackers nag-post ng porno

By Djan Magbanua April 17,2020
share this

Official Twitter account ng Pasig na-hack; hackers nag-post ng porno

By Djan Magbanua April 17,2020 - 11:46 AM

NA-HACK Biyernes ng umaga ng hindi pa kilalang tao o grupo ang official Twitter account ng Pasig City Public Information Office.

Sa pamamagitan ng kanyang official Twitter account ibinalita ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga followers.

Aniya, iniimbestigahan na nila ang insidente.

“Fyi. Our official PIO Twitter account was hacked at 10:15am. It is now secure. Investigation is ongoing.”

Bago ito mabawi, nagawa ng mga hackers na makapag-post ng mga pornographic materials sa kanilang feed.

Sa ngayon burado na ang mga post na ito.

Ang official Twitter account ng Pasig City PIO ay may handle na @PasigInfo at may verified blue check sa tabi ng pangalan.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending