Vic, Pauleen mas tumindi pa ang faith dahil sa COVID; artworks ni Tom kapalit ng donasyon
TUMAMA nitong Mahal na Araw ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine, kaya naman ang mga nakaugalian na nating tradisyon ay ipinagpaliban.
Isa na rito ang nakasanayan nang Pabasa (ng Pasyon leading to the death of Jesus Christ by crucifixion), pero hindi naging hadlang ang lockdown para kina Vic Sotto at Pauleen Luna para hindi ito mairaos sa kanilang sariling pamamaraan.
Sa isang sulok ng kanilang tahanan ay makikitang nagtayo sila ng mesa, nilagyan ng mantel kung saan nasa ibabaw nito ang iba’t ibang religious icons.
Nagmistulang mini-altar ‘yon facing the exterior of the house.
Sa harap nito’y may dalawang upuan na halos magkadikit. Anong social distancing-social distancing ang dapat ipatupad na hanggang sa pagdarasal ba naman ay kailangang sundin?
Tiyak na marami rin sa ating mga artista found an ingenious way of spending Holy Week sa paraang malayo sa kanilang nakasanayan.
As in the case of Bossing and his wife, maaaring pinanghahawakan nila ang paniniwalang the couple that prays together stays together. Siguradong mas naging madasalin at mas tumindi pa ang faith ng mag-asawa dahil sa COVID-19 crisis.
* * *
Tuluy-tuloy naman ang paglikom ng donasyon para sa fundraising na “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause” na inilunsad ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez katuwang ang nobyang si Carla Abellana.
Ang malilikom na pondo ay gagamitin para sa daily wage earners na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Tom, first time niyang tumanggap ng commission artworks kaya espesyal sa kanya ang proyektong ito lalo na for a good cause.
Inspirado rin ang Kapuso actor sa kanyang ginagawa at isang responsibilidad ang tingin niya rito.
“After ko matapos i-drawing and signed it, I put a little message for them. That way…grabe ‘yung pasasalamat ko sa kanila because I know how difficult the circumstances are now and they are extending themselves out para lang matulungan din ‘yung mga daily wage earner natin,” the actor said.
Samantala, muli namang pinaalalahanan ni Carla ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at sumunod sa mga patakaran ng gobyerno bilang tulong sa pagsugpo ng health crisis sa bansa.
Aniya, “Ang daming nagi-guilty na hindi sila makapagbigay ng tulong but staying at home is really the best way to think and help. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Sulitin na lang natin ‘yung time natin para makapagpahinga at gawin ‘yung mga hindi natin nagagawa dati.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.