Beauty queen na ‘ka-loveteam’ ni Roxanne Barcelo biglang-sikat
MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang beauty queen na si Ann Colis bilang si George sa iWant digital series na “Fluid.”
Kasama niya rito sina Roxanne Barcelo at Joross Gamboa mula sa direksyon ni Benedict Mique under Lonewolf Production.
Base sa nabasa naming mga komento sa YouTube ay humihingi ng season 2 ang mga nakapanood nito. Nais kasi nilang ituloy ang love story nina George at Mitch (Roxanne).
Ang “Fluid” ang isa sa most viewed digital series ngayon sa iWant at kaya pala tinawag na King of iWant si direk Benedict dahil lahat ng ginawa niya ay patok sa viewers tulad ng “Momol Nights” nina Kit Thompson at Kim Molina; “Wild Little Love” nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes at ito ngang “Fluid”.
Si direk Benedict din ang nagsulat ng mga nabanggit na iWant originals.
Going back to Ann, maganda ang feedback sa kanya ng mga nakapanood at umaasang mabibigyan ulit siya ng project sa ABS-CBN.
Unang acting project niya ang “Fluid” na ayon kay direk Benedict ay hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang Binibining Pilipinas Globe 2015 title holder pero kabado kaya inalalayan naman niya.
Narito ang ilan sa mga comments ng mga nakapanood ng “Fluid” patungkol kay Ann.
“Hi Ann, ang hot mo. Lakas ng dating mo. Ganda ng movie guys, promise. More project for ANN Colis.”
“Hindi pa rin ako maka-recover kay George. Crush ko na rin si Ann Colis.”
“Ang pogi ni Ann dito, part 2 please. No wonder may lacking sa acting, first time pala ni Miss Ann, but still very commendable, she’s good! Galing ng tandem. Nakakakilig, part 2 please.”
“Masyadong nakakabitin, wala man lang life si Mitch after choosing George, sana may part 2 showing successful ba na pinili ni Mitch si George and about do’n sa family ni Mitch accepted ba talaga relationship nila.”
“Did they have kids, just like what Mitch imagine? Hayss kakakilig, sobrang bagay sa kanilang dalawa ang movie.”
Tinanong namin si direk Benedict kung paano niya napili si Ann bilang George.
“Actually dead end na kami, ang hirap humanap ng tama iyong hitsura at marunong umarte last audition day na namin, biglang dumating ni-refer lang ng PC namin na may kilalang beauty queen, ayun isang tingin pa lang alam na namin na siya e.
“Tapos nu’ng nag-audition siya lang memorize ‘yung lines, mahabang monologue memorize tapos nu’ng tanungin ko alam niya where are emotions are and which emotion, magaling nga.
“’Yung pagsasalita and stance and confidence, I think she got from being a beauty queen and model, and matalino siyang tao actually well-educated mabilis makaintindi at memorize.
“Okay na rin for first timer, getting good reviews and gusto siya ng tao. Yes. pag natapos ito corona virus, ilalako ko na sa ABS (CBN), tulungan niyo din ako ibenta,” kuwento ng direktor.
Inamin din ni Direk na siya ang magma-manage kay Ann bilang unang talent ng Lonewolf Films.
Nabanggit pang super bait at cooperative pa ni Ann at loveless ang dalaga.
Say ni direk Benedict, “Ang alam ko kaka-break lang sa BF na foreigner, pero galing siya sa US then now nasa London for modeling kaso naipit naman du’n (COVID-19), sabi ko aralin niya mga artista, and watch movies and performances para mag improve pa siya, sabi ko din after this corona thing audition din siya du’n sa mga acting parts.”
At dahil effective bilang si George at mukhang nagustuhan ni Ann ang karakter niya, posible bang magbago na ang preference niya since hiwalay na sila ng foreigner boyfriend.
“Ha-hahaha! Hindi ko alam pero straight daw siya,” natawang sabi ng direktor.
Anyway, pwede pa rin mapanood ang “Fluid” sa iWant anumang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.