DALAWAMPU’T apat na bote ng Emperador Lights ang nakumpiska sa 18-anyos na delivery driver na dumaan sa Quarantine Control Point sa Pasig City.
Sa inilabas na ulat ng National Capital Region Police Office kanina, inaresto si Raymond Tonga, ng Brgy. Sta. Cruz, Pasig City, dahil sa paglabag sa ipinatutupad na Liquor ban.
Siya ay naaresto alas-3:45 ng hapon noong Martes sa QCP sa Eastbank Rd., Brgy. Sta. Lucia.
Nakalagay umano ang mga bote ng alak sa delivery bag na nakasakay sa motorsiklo.
Siya ay nahaharap sa paglabag sa Pasig City Ordinance Nr. 08 Series of 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.