POSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang hepe ng Caloocan City Health Department, ayon kay Mayor Oscar Malapitan.
“Ikinalulungkot kong kumpirmahin na ang pinuno ng City Health Department ng lungsod ng Caloocan ay nagpositibo sa COVID-19,” ani Malapitan sa Facebook post niya ngayong araw.
Sinabi ng alkalde na sumailalim sa pagsusuri ang opisyal noong Abril 9.
“Base sa (Department of Health Department Memorandum No. 2020-0151), lahat ng healthcare workers, kahit walang sintomas, na may posibleng exposure sa COVID-19 dahil sa uri ng trabaho, ay isasailalim sa COVID testing para mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga bayaning frontliners,” dagdag niya.
Napag-alaman na walang sintomas ang opisyal at “unprotected known exposure to a COVID-19 patient” noong ito ay i-test’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.