Mystica binalaan sa pagmumura kay Du30: Pwede kang kasuhan!
MAARING kasuhan si Mystica sa mga pagmumura nito kay Pangulong Duterte na kumalat sa social media kamakailan lang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may batas na pwedeng magparusa sa mga taong magmumura sa Pangulo gaya na lang ng nasa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act
Naitanong kasi kung may batas bang magpaparusa sa mga netizens o mga sikat na personalidad at artista, sa pagmumura laban kay Pangulong Duterte.
“Hindi po absolute ang freedom of expression. Meron pong hangganan yan. At nakasaad po sa International Covenant on Civil and Political Rights na a state can derogate, among others, dito po sa freedom of expression kapag meron pong national emergency. Alam po natin ang COVID hindi lang national emergency, it is an international emergency.”
Dito na binasa ni Roque ang provision sa Bayanihan Act patungkol dito.
“Individuals or groups creating, perpetrating or spreading false information regarding the COVID-19 crisis on social media and other platforms, such information having no valid or beneficial effect on the population and are clearly geared to promote chaos, panic, anarchy, fear, or confusion and those participating in cyber incidents that make use or take advantage of the current crisis situation to prey on the public through scams, phishing, fraudulent emails or other similar acts.” aniya.
Partikular na binaggit ni Roque ang pangalan ng entertainer na si Mystica, kung saan hinamon pa nya ang presidente na i-home quarantine at huwag bigyan ng pagkain at tubig.
“So Mystica, may batas po na pupwedeng gamitin para parusahan ka.” ani Roque.
Dalawang araw naman pagkalipas ma-ipost ito ni Mystica ay nag-public apology na siya sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.