ISASAILALIM muna sa rapid testing ang mga opisyal na nais lumapit kay Pangulong Duterte upang masiguro na ligtas ang presidente sa Covid-19, ayon sa Presidential Security Group.
Sinabi ni PSG commander Colonel Jesus Durante na sinumang magpopositibo sa sakit ay hindi papayagang makapasok sa gusali kung saan naroroon si Duterte.
Hindi rin papayagan ang mga makikitaan ng sintomas ng sakit tulad ng lagnat, ubo at iba pa.
Ani Durante, isasagawa ng medical team ng PSG Task Force Covid ang rapid testing.
“The procedure exempts nobody and is even administered to high ranking government officials, PSG troopers, and close-in personnel who always accompany the President,” dagdag ng opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.