Ilang politician, journalist, personalidad naalarma sa dami ng tao sa labas | Bandera

Ilang politician, journalist, personalidad naalarma sa dami ng tao sa labas

Djan Magbanua - April 15, 2020 - 07:48 PM

“IS it me or ang daming tao na sa kalsada ngayon?”

Yan ang tanong sa Twitter ni Senator Sherwin Gatchalian na tila naaalarma sa dami ng pasaway na pa rin na lumalabas kahit na merong enhanced community lockdown sa buong Luzon dulot ng pagkalat coronavirus disease o COVID-19.

Sumagot naman dito ang veteran journalist na si Karen Davila na marami ring nasa labas sa Makati City.

Aniya, baka psychological na ang rason kaya naghahanap ng dahilan ang ibang taong lumabas ng bahay.

“Kahit sa Makati marami Sen Sherwin. I think its becoming psychological for people. They’re looking for reasons to also get out of the house for their sanity.  Konti na lang guys.”

Nagshare naman si dating Senador na si JV Ejercito ng isang litratong kuha ngayong araw, Martes kaninang umaga ng estado ng trapiko sa Edsa. Kita sa larawan ang pagkakaroon pa ng trapik sa dami ng kotse.

 

Dismayado naman nang makita ito ni Sen. Gatchalian at sinabing masasayang ang ECQ  dahil dito.

“Looks like it Com. Sana we can be like Singapore or even Malaysia were situation is improving.” sagot ni Ejercito

Sumagot din ang showbiz personality na si Bianca Gonzalez sa photo na ito at naalarma din siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is.. alarming. Is it possible this is all essential travel?” tweet nya.

“Really worried. Don’t think the April 30 deadline to flatten the curve will not be achieved at the rate we are going. Unfair to people who really stay home.” sagot naman ni Ejercito.

Ilang balita na ng paglabag sa ECQ ang lumalabas katulad na lang ng patuloy na dagsa ng tao sa Bluementritt, mga ilegal na sabong, pa-boxing at pagsasara muli ng isang sikat na coffee shop dalawang araw matapos magbukas dahil sa pagdagsa ng tao.

Sa ngayon, nagbaba na ng order mula sa Inter-Agency Task Force na sisitahin ang mga pribadong sasakyan na hindi pasok sa exemption sa ilalim ng ECQ.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending