10 huli sa drug operations sa QC | Bandera

10 huli sa drug operations sa QC

Leifbilly Begas - April 14, 2020 - 02:16 PM

ARESTADO ang 10 katao, kabilang ang dalawang magkapatid, sa magkakahiwalay na drug operation sa Quezon City.

Naaresto ng Fairview Police Station sa buy-bust operation sina Renz Axl Dabuet, 23, at kapatid nitong si John Harold Dabuet, 20, mga taga- Brgy. Pasong Putik, alas-12:30 ng hapon kahapon sa Abe Maria, Maligaya Park Land Subdivision.

 Narekober umano sa kanila ang 331 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P33,330.

Nasakote naman ng Talipapa Police si John Anderson Sermona, 20, alas-8 kagabi sa Certeza, Luzon Avenue, Brgy. Culiat. Nakumpiska umano sa kanya ang P34,000 halaga ng shabu.

Project 4 Police naman ang humuli kina Nelmier Lucinario, 39, at Patrick Dave Padiernos, 23, alas-9 kagabi sa Brgy. Escopa 1 at nakuha umano sa kanya ang P24,500 halaga ng shabu.

Sa buy-bust operation ng Anonas Police naaresto sina Michael De Quiroz, 36, at Wilfredo Julia, 36, alas-4:30ng hapon sa Xavierville Ave. Brgy. Loyola Heights. Nakumpiska umano sa kanya ang P14,000 halaga ng shabu.

Nahuli din si Traxxas Azcuna, 18, ay hinuli ng barangay tanod ng UP Campus dahil sa paglabag ng curfew. Nang kapkapan ay nakuhanan umano siya ng isang sachet ng marijuana.

 Ang Galas Police naman ang humuli kina Raymart Biasora, 27, at Tony Brecio, 41, alas-12:30 ng umaga kanina sa Victory Ave., Mabolo, Brgy. Tatalon. Nakuhanan umano sila ng P6,800 halaga ng shabu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending