Buntis itinumba; suspek, adik? | Bandera

Buntis itinumba; suspek, adik?

- April 13, 2020 - 07:19 PM

INAALAM na ng pulisya kung may kinalaman sa droga ang pagpatay sa babae, na buntis get ng tatlong-buwan, sa Brgy. Pasil, Cebu City, noong Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon kay MSgt. Rey Iligan ng San Nicolas Police Station, nananatiling tikom ang bibig ng suspek na Jerel Paca dela Torre, 32,  na nadakip ilang oras matapos ang pagpatay, kung ano ang nagtulak sa kanya na kitilin ang buhay ni Mae Hyacinth Abellana Quisto, 27.

Pero base sa impormasyon na nakuha nila, sinabi ni Ilagan na maaaring away-droga ang motibo sa pagpatay

Dagdag niya, magkakilala ang biktima at ang suspek.

Napag-alaman na nakakulong ang dalawang kapatid ni delaTorre dahil sa pagtutulak.

Hindi naman ibinabasura ng pulisya ang iba pang anggulo.

Base sa imbestigasyon, binaril ni Quisto nang dalawang beses si Abellana sa bahay nito sa Magsaysay st., alas-5 ng hapon. Naitakbo pa Alang biktima sa Cebu City Medical Center subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay.

Nasakote si dela Torre sa kanyang bahay makaraang inguso ng mga saksi. Hindi naman narekober ang baril na ginamit niya sa pagpatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending