Sa halip na mangutang, huwag na lang muna magbayad ng utang– Bayan Muna
Sa halip na mangutang ulit, nanawagan ang Bayan Muna na ipagpaliban na lang muna ang pagbabayad sa mga utang ng bansa upang matulungan ang mga maliliit na kompanya na makabangon mula sa epekto ng coronavirus disease 2019.
Ayon kina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares aabot sa trilyon ang pondo na malilikom ng pondo kung magpapatupad ang gobyerno ng moratorium sa pagbabayad ng utang.
“This global modern scourge should push the Duterte administration, along with other countries hard struck by the pandemic, to consider a debt service moratorium with the International Monetary Fund (IMF)- World Bank (WB), the Asian Development Bank (ADB), the Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) and other international and multilateral lending institutions,” ani Zarate.
Iginiit ni Zarate na mas makabubuti sa bansa ang pagtigil sa pagbabayad ng utang kaysa mangutang muli.
Ang bawat isa sa mahigit 110 milyong Filipino ay may utang na umanong P70,000 dahil umaabot ang utang ng gobyerno sa P7.7 trilyon.
“Even those not born yet already have debts and it is best that no debt is further added to their burden,” dagdag pa ni Zarate.
Ayon naman kay Colmenares sa ilalim ng 2020 budget ay P450 bilyon ang nakalaan sa pagbabayad ng interes at P582 bilyon ang pambayad sa principal na utang.
The moratorium can apply either just to the interest rate or the whole debt for the year but ultimately the realigned funds can be used to help our micro, small and medium enterprises not to go bankrupt and rehabilitate the country as well,” saad ng dating kongresista.
Plano ng gobyerno na mangutang sa Asian Development Bank ng $5.7 bilyon at $500 milyon sa World Bank.
Ayon kay Zarate, bukod sa pambayad ng utang mayroon din umanong P13 bilyong contingency fund, P16 bilyong NDRRM fund sa ilalim ng 2020 national budget bukod pa sa naipong NDRRM fund hanggang noong 2019 na umaabot na sa P56 bilyon.
Dapat din umanong galawin na ang bilyun-bilyong intelligence and confidential funds para matulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.