LUMINDOL sa lalawigan ng Antique kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
May lakas na magnitude 3.5 ang lindol alas-9:22 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay 18 kilometro sa kanluran ng Patnongon. May lalim itong limang kilometro.
Naramdaman ang Intensity I na paggalaw sa mga bayan ng San Jose de Buenavista, Sebaste at Culasi sa Antique.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending