DepEd Secretary Briones nagnegatibo sa pinakahuling COVID-19 test
NAGNEGATIBO na sa pinakahuling coronavirus disease 2019 test si Education Secretary Leonor Briones.
“Early this morning nag-text sa akin si [Health] Secretary [Francisco] Duque na ang resulta ng test ko, sa akin lamang, ay negative,” ani Briones sa isang panayam sa telebisyon.
Inilarawan ni Briones ang kanyang naramdaman sa hiwalay na panayam na: “Para akong may death sentence na na-pardon at the last minute.”
Noong Abril 9 ay inamin ni Briones na siya ay nagpositibo sa COVID-test na isinagawa noong Abril 2. Si Briones ay 79-taong gulang na.
Siya ay nag-self quarantine matapos malaman na nagpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng Gabinete na kanyang nakasalamuha.
Sumailalim din sa test ang kanyang mga staff.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.