Silang mga bida, kontrabida sa krisis ng Covid-19 | Bandera

Silang mga bida, kontrabida sa krisis ng Covid-19

Jake Maderazo - April 12, 2020 - 04:45 PM

Sa panahon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, may mga taong maganda ang ginagawa sa kapwa. Meron ding iba na kagaguhan ang pumapasok sa kukote kahit krisis.

Unang una, dapat nating pasalamatan ang 17 doctor na pumanaw dahil sa COVID-19, batay sa report ng Philippine Medical Association (PMA). Ayon sa DOH, merong 152 na mga doctor at 63 nurses ang nagpositibo sa virus. At  ilang na nga sa kanila ay nakasama na sa listahan ng mga nasawi.

Ikalawa, dapat purihin ang Department of Health sa pangunguna ni Sec. Fransisco Duque III sampu ng mga kawani sa opisina, mga doctor, nurses at health workers sa ospital at baranggay sa malalayong lugar. Kahit nabigla tayo sa biglang pagkalat ng COVID-19, ang mabilis nilang aksyon ay nagbibigay pag-asa na kakayanin natin ang krisis na ito.

Ikatlo, si Pres. Duterte na nagpatupad ng ECQ sa buong Luzon kahit marami ang magagalit , mapeperwisyo at mawawalan ng hanapbuhay.

Ang maagang imposisyon ng “lockdown” ay pumigil para hindi tayo matulad sa Italy, Iran, Spain at Amerika. Ang direktiba niya sa PNP, AFP at LGU na panatilihin ang “law and order “ laban sa COVID -19 ay napapanahon.

Ikaapat, bumuhos ang tulong ng private sector sa mga ospital, frontliners at na-lockdown na mamamayan. Tatlumput anim na kumpanya sa “Project Ugnayan” ay nagbigay ng P1.62- bilyon at sinundan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagbigay ng P1-bilyon sa Office of the President, na kalahati ay cash at kalahati ay mga “grocery items”. Ang San Miguel Corporation ay may kabuuang P800 milyon donasyon ng bigas, tinapay, alcohol at iba pa, bukod pa sa personal na P100-milyon donasyon ni SMC President Ramon Ang.

Ang Jollibee foods nagbigay ng P250-milyon halaga ng food packs samantalang ang Metrobank group ay nagbigay ng P200 milyon. Ang kontrobersyal na POGO companies at ang COCA COLA at nagbigay ng tig-P150-milyon . Ang Lopez group, Gokongwei group, Aboitiz group at Zuellig Famiy foundation ay may donasyon din na tig-P100M.

Hindi rin nagpahuli ang LBC Express, Okada Manila, city of Dreams at Resorts World na nagbigay ng tig-P50 milyon. Kahit mga artista ay tumulong din, P1milyon mula kay TV HOST Willy Revillame, P1.8milyon nalikom sa Facebook live concert ni Lea Salonga, bukod kina Angel Locsin, Anne Curtis at Bela Padilla.

Ikalima, dapat hangaan sina Senador Sonny Angara, Miguel Zubiri, pati ang kontrobersyal na sina Koko Pimentel, Deped Sec. Leonor Briones, DILG Sec. Eduardo Ano.  Isama ko na rin sina Journalist Howie Severino, Actress Iza Calzado, Actor Christopher De leon na umamin, hinarap at nagtagumpay laban sa COVID-19. Sila ang mga halimbawa ng mapanganib na karamdamang ito pero hindi ito ang katapusan ng mundo o ng ating buhay.

Kung merong dapat hangaan, meron ding dapat kabwisitan. Nangunguna riyan ang DSWD na 54.86% lang pala ng mga apektadong pamilya sa Metro manila ang nabibigyan ng Social Amelioration package. Sumunod diyan ang ilang sutil na LGUs na kinakangkong ang relief goods sa kanilang baranggay.

Ikatlo, ang mga kababayan nating nagpasabong pa sa North Cemetery at ang iba’y siksikang namalengke pa Balintawak Market.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At pangwakas, ay ang taong nandidiri sa mga health workers natin at sa mga pamilyang tinamaan ng COVID-19. Simpleng kabobohan na dapat talagang hulihin ng mga otoridad nang maparusahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending