IMPORTANTE na ang ating pamilya ay malusog lalo na ngayong may coronavirus (COVID-19) pandemic. Kung kaya’t sa panahong ito ay dapat tayong kumain nang tama at masustansiyang paglain.
Nasa kamay rin ng bawat pamilya ang tagumpay ng ating laban kontra COVID-19.
Narito ang ilang health tips na dapat mong malaman ngayong may matinding sakit tayong hinaharap.
1. Tandaan ang tatlong prisipyo sa nutrisyon: Balanse, iba-iba at moderasyon. Gawan ng plano ang mga kakaining pagkain upang makasulit at mabawasan ang pagpunta sa pamilihan o palengke.
2. Umimom ng tubig na hindi kukulangin sa walong baso ng tubig kada araw.
3. Siguruhin na may tatlong “G” foods sa hapag kainan: Go, Grow at Glow.
4. Kung maari ay iwasan ang mga delatang pagkain.
5. Huwag kalimutang kumain ng maraming gulay at prutas.
6. Hugasang mabuti ang mga kamay bago magluto at siguraduhin ding nahugasang mabuti ang mga kagamitang pangluto.
7. Magtanim ng mga gulay sa inyong bakuran.
Source: Department of Health
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.